Oct 20, 2026
Aired (October 17, 2026): #ReportersNotebook: “Sakay ng Munting Bangka” Apat na magkakapatid ang kailangang magbangka sa gitna ng baha para makapasok sa eskwela. Si John Myrl ang nagsasagwan habang binabantayan nina Jasmine at Jenailyn ang bunso nilang kapatid na si Justine. Sa Sitio Nabong, Brgy. Meysulao, Calumpit, Bulacan, baha ang araw-araw na hinaharap ng mga residente. Para sa magkakapatid, ito ang mapanganib na daan na kailangan nilang tahakin upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Hanggang kailan kailangang magtiis ang mga batang tulad nila sa ganitong kalagayan? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook