Oct 17, 2026
Makikilala na ang pinakabagong P-Pop boy group na kahuhumalingan ng lahat sa 'Born to Shine': ang 5N1! Sa episode nitong Biyernes, October 16, muling nagbalik si Vanna (Sheryl Cruz) para saluhin ang NIXI na nawala na sa poder ng Hilaga Records. Ngunit hindi lang iyon dahil sa pagbabalik niya, kasama na rin ni Vanna ang bagong boy group na yayanig sa mundo ng P-Pop. Kilalanin sina JC (Kobie Brown), Drew (Josh Ford), Marcus (Lee Victor), Blue (Dom Pangilinan), at Hiro (Andrei Fajardo), ang mga bumubuo ng 5N1, sa gallery na ito: