Nov 5, 2026
Ngayong 21 years old na si Star of the New Gen Jillian Ward, unti-unti na rin siyang nagiging independent sa kaniyang buhay. Sa katunayan, noong 2024 pa lang ay naninirahan na ang aktres nang mag-isa sa kaniyang sariling condo. Sa pagbisita niya sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Miyerkules, November 4, sinabi ni Jillian na masaya naman siya sa solo living, lalo na at nakakakuha siya ng freedom dahil dito. Pero pag-amin ng aktres, hindi rin ito madali at may mga pagkakataong mas pinipili niyang umuwi sa kaniyang magulang kaysa sa kaniyang condo. Alamin ang karanasan ni Jillian sa pamumuhay nang mag-isa sa gallery na ito: