Oct 20, 2026
Aired (October 17, 2026): Halos 12 talampakan ang lalim ng tubig na kailangang tawirin ng sampung taong gulang na si Jasmine para makapasok sa eskwela. Sakay ng maliit na bangka, mag-isa niyang binabagtas ang malawak na baha. Isang maling galaw lamang ay maaari siyang mahulog sa tubig. Sa kabila ng panganib, patuloy siyang nagsisikap na makapasok sa klase. Bakit kailangang harapin ng isang bata ang ganitong panganib para lamang makapag-aral? #ReportersNotebook #GMAPublicAffairs